Hindi pinalagpas ng dating newscaster at talk show host na si Jay Sonza ang patutsada sa kaniya ni showbiz columnist at talent manager Ogie Diaz sa social media, matapos niyang batikusin ang mga water filtration buckets na ipinamahagi ng Office of the Vice President, sa pamamagitan ng 'Project H20', sa mga mamamayan ng Marawi City noong 2017.

Tinawag ni Diaz na 'wala sa hulog' at 'tumatandang paurong' si Sonza. Sana rin daw ay hindi kulang sa kalinga ng kaniyang mga anak at apo ang journalist.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/17/ogie-diaz-sinita-si-jay-sonza-lagi-na-lang-daw-fake-news-tumatandang-paurong/

"Hindi naman siguro nagkulang ng aruga ang mga anak at apo ni Jay Sonza sa kanya, no? Masyado nang desperado ang lolo n'yo. Lagi na lang fake news. Kawawa naman," ayon sa isang tweet ni Ogie.

"Ano na nangyari kay Jay Sonza? Nakakalungkot. Wala na sa hulog. Tumatanda na ba siyang paurong?" saad niya pa sa kaniyang Twitter account noong Enero 15, 2022.

May be a Twitter screenshot of 1 person and text that says '1 Kakampink Warrior Retweeted ogie diaz @ogiediaz Ano na nangyari kay Jay Sonza? Nakakalungkot. Wala na sa hulog. Tumatanda na ba siyang paurong? #AskingForAFriend. Translate Tweet 7:22 pm 15 Jan 22 Twitter Web App'
Screengrab mula sa Twitter/Ogie Diaz

Nitong Enero 15 ay kaagad na tumugon dito si Sonza.

"Good morning Mr. Ogie Diaz (at Kakampink Warriors), bilang tugon sa tanong mo, narito ako sa aking munting sakahan ng Niyog, Palay, Manga at iba pang pananim (mga 61 hectares lang naman). Heto nag-eenjoy sa retirement since 2010."

"Huwag kang malungkot. Masaya ako dine sa bukid. Marami akong alagang hayop. Paminsan-minsan nakakapamaril pa naman kami sa gubat."

Kinumusta niya si Diaz at ang pamilya nito. Tinanong niya kung 'nagpapanggap' pa rin ba itong gay.

"Ay totoo ka, matagal na akong senior citizen pero hindi pa naman ako nahuhulog sa pilapil kahit minsan. Ikaw Ogie kamusta ka na? Nagpapanggap ka pa rin bang bakla? Kamusta ang iyong misis at mga anak mo? Dalangin ko na sana nasa mabuti kayong kalagayan. Ingat ka, uso pa naman ang Covid diyan sa NCR."

"By the way, you are welcome to visit us here in the farm Mr. Diaz. Pagdamutan mo lang iyong native na manok, tupa at preskong gulay at bagong pitas na prutas ha."

"Salamat nga pala naalaala mo ako."

Screengrab mula sa FB/Jay Sonza

May be an image of animal, tree and grass
Larawan mula sa FB/Jay Sonza

May be an image of road, tree and text
Larawan mula sa FB/Jay Sonza

May be an image of outdoors and tree
Larawan mula sa FB/Jay Sonza

Samantala, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang 'Project H2O' hinggil sa sinasabi ni Sonza na plastik na timba ang mga nai-donate ng OVP, noong Enero 16, 2022. Sinuportahan naman ito ng 'Mu Sigma Phi Fraternity.

"We, the brothers of the Mu Sigma Phi Fraternity, who handle Project H2O: Help To Others, are deeply concerned about the statements made by Mr. Jose Yumang 'Jay' Sonza, regarding Project H2O."

"We would like to inform and reassure the general public that the water filtration buckets used in Project H20 are FOOD-GRADE, SAFE FOR USE and that NO TOXIC MATERIALS are included in their assembly."