Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng panibagong 37,070 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Lunes, Enero 17, 2022, sanhi upang umabot na sa mahigit 290,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa case bulletin #674 na inisyu ng DOH, nabatid na umaabot na ngayon sa 3,242,374 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 9.0% pa o 290,938 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang dito ang 277,020 mild cases; 9,187 asymptomatic; 2,947 moderate cases; 1,480 severe cases; at 304 critical cases.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 33,940 bagong gumaling sa sakit.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ngayon, umaabot na sa 2,898,507 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 89.4% ng total cases.

Nasa 23 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman nitong Lunes, sanhi upang makapagtala na ang Pilipinas ng 52,929 total COVID-19 deaths o 1.63% ng total cases.

Mary Ann Santiago