Magbibigay ang China ng P800 milyon na karagdagang grant sa Pilipinas upang makatulong sa reconstruction efforts nito sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Odette noong nakaraang taon, inihayag ni State Councilor at Foreign Minister of China Wang Yi nitong Lunes, Enero 17, sa 5th Manila Forum for Philippines-China Relations.

“The Philippine people are strong and resilient. We believe that under the leadership of President Duterte and the Philippine government, people in the affected areas will rebuild their homes at an early date,” ani Wang sa isang talumpati.

“To support their reconstruction, I’d like to announce that the Chinese Government has decided to provide another 100 million RMB yuan of grant to the Philippines,” dagdag ng Chinese Foreign Minister.

Binigyang-diin niya na ang China at Pilipinas ay magkapitbahay at “partners through thick and thin."

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Dagdag ng foreign minister, nang tamaan ng bagyong Odette ang Pilipinas, kaagad na nagpahayag ng pakikiramay at suporta si Pangulong Xi Jinping, at kabilang ang gobyerno ng China sa mga unang nagbigay ng emergency assistance.

“We hope the new grant will help boost the recovery,” sabi ng opisyal.

Una nang nagbigay ang China ng P50-million emergency cash assistance sa Pilipinas para matulungan ang gobyerno sa relief operations nito at tulungan ang mga biktima ng bagyo na muling itayo ang kanilang mga tahanan sa lalong madaling panahon.

Noong Disyembre 29, 2021, nag-donate din ang Chinese Embassy sa Manila ng 100,000 bote ng inuming tubig na nagkakahalaga ng P1 milyon sa mga komunidad na nasalanta ng bagyo.

Noong Enero 16, Linggo, mahigit 5,000 relief packs ang ipinamahagi ng Chinese Embassy sa mga munisipyo ng San Miguel, Trinidad, at Inabaga sa lalawigan ng Bohol, mga lugar na matinding napinsala ng bagyo.

Betheena Unite