Ibinunyag ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda Acosta na hindi siya bakunado laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ngunit nagbabala si Acosta na gagawa siya ng aksyon laban sa mga lokal na batas na naghihigpit sa paggalaw at nagpaparusa sa mga hindi bakunadong indibidwal.

“If ever the local officials will incarcerate me for being unvaxed, then I will fight for my cause,” pagdedeklara ni Acosta nitong Lunes, Enero 17 sa isang panayam sa ANC’s Headstart.

Ipinaliwanag niya na nanatili siyang hindi bakunado dahil sa kanyang edad at iba pang mga kondisyon sa kaniyang kalusugan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“I am not anti-vaccination,” paglilinaw niya.

“Ako talaga may second thoughts ako. I am waiting for a protein-based COVID vaccine,” aniya at habang sinabing ang kasalukuyang bakuna ay ribonucleic acid (RNA)-based.

Nabanggit niya na ang kanyang mga kapatid na lalaki at anak na babae ay nabakunahan na at maging ang PAO ay may 91 percent na vaccination rate.

“There are many groups who are preparing to ask for the declaration of the unconstitutionality of any mandatory or indirect mandatory vaccination,” ani Acosta.

Aniya, wala siyang planong magpabakuna.

“There is no need for me to be a part of that because we do not collaborate unless it is necessary,” dagdag niya.

Kasunod na umapela siya sa mga local government units (LGUs) na huwag magpatupad ng mga polisiyang diskriminasyon laban sa mga hindi bakunado.

Nakasaad sa Bill of Rights of the Constitution na "walang tao ang dapat alisan ng buhay, kalayaan, at ari-arian nang walang angkop na proseso ng batas.”

Binanggit din niya ang Republic Act No. 11525, na kilala rin bilang COVID-19 Vaccination Program of 2021, na nagsasabing “vaccine cards shall not be necessary for educational, any transaction.”

Ipinunto rin ni Acosta na idineklara ng Department of Health (DOH) na “may karapatan ang pasyente na tumanggi sa bakuna at tumanggi sa anumang gamot dahil ang katawang ito ay pag-aari mo mismo, hindi pag-aari ng gobyerno ang katawan mo.”

Ipinagtanggol niya ang mga tagubilin ni Pangulong Duterte sa mga LGU na higpitan ang paggalaw ng mga hindi pa bakunado.

“We cannot blame the President because he believes that the only way to curb and to fight against the pandemic is vaccination,” aniya.

“Pero it does not mean i-violate ninyo ang Konstitusyon,” giit niya.

Jeffrey Damicog