Bibisita ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo sa mga lungsod ng Antipolo at Makati ngayong linggo para magsagawa ng libreng serbisyo ng antigen testing para sa coronavirus disease (COVID-19) sa ilalim ng Swab Cab project nito.

Sa isang Facebook post, inihayag ni Robredo na ang Swab Cab ay ilulunsad sa Ynares Center sa Antipolo City sa Lunes, Enero 17.

Muling ni-reinactivate ng Bise Presidente ang mga operasyon ng Swab Cab bilang tugon sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa variant ng Omicron.

“Bukas, nasa Antipolo City naman ang ating Swab Cab team! Gagamiting testing site ang Ynares Center 8AM onwards para sa first 1,000 patients na nais magpa-antigen test,” aniya nitong Linggo, Enero 16.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Idinagdag ni Robredo na ang mobile COVID-19 testing ay "bukas para sa mga walk-in at hindi residente ng Antipolo."

Kasunod nito’y pinayuhan niya ang mga taong gustong magpa-test para sa coronavirus na magdala ng face shield, ID, ballpen, at vaccination card, at sundin ang mga pag-iingat sa kalusugan kapag pumunta sila sa Swab Cab site.

Dati, sinabi ng aspiring president na ang mobile free antigen testing service ay tatakbo sa Makati City sa Martes, Enero 18, pagkatapos ng rollout sa Antipolo City.

Noong nakaraang linggo, ginanap ang Swab Cab operations sa Immaculate Conception Parish Church sa Novaliches at Lupang Pangako Parish sa Payatas, parehong sa Quezon City.

Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Metro Manila at higit sa 50 lugar para mapigilan ang higit pang pagkalat ng COVID-19.

Noong Linggo, iniulat ng Department of Health (DOH) ang 37,154 na bagong kaso ng COVID-19 kaya umabot na sa 3.2 milyon ang caseload ng bansa.

Raymund Antonio