Labing-anim na indibidwal,kabilang ang isang miyembro ng Philippine Army (PA), ang dinakip ng mga pulis matapos salakayin ang isang tupadahan sa Taguig City nitong Sabado, Enero 15.

Ang mga suspek ay kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. Gen. Jimili Macaraeg na sina Roy Moreno, 45; Jed Jomoc, 34; Julian Bogtong, 37; Jovanni Vibal, 43 ;Elde Tacocong, 55; Jean Vicente, 26; Rodel Intia, 20; Bonifacio Buena, 43; Ryan Platero, 27; Paul Dinela, 33; Reden Garbin, 29; Teotimo Astronomo, 69; Reynald Esancha, 58; Francisco Serdan, 38; at Melencio Abonal, 70, pawang taga-Taguig City.

Nasa kustodiya rin ng pulisya ai Army Sgt. Francisco Serdan nang masamsaman ng Cal. 45 pistol na may kargang magazine na may apat na bala, at isa pang magazine na may tatlong bala na nakuha sa kanyang sling bag, habang nagsasabong.

Sa report, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay ng nagaganap na tupada sa Pres. Quirino St., Brgy. South Signal Village, Taguig City.

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion

Dakong 1:30 ng hapon nang salakayin ng mga pulis ang lugar na ikinaareto ng 16 na sabungero.

Bukod sa ₱3,640 na pusta sa sugal, nakumpiska rin ang dalawang manok na panabong. 

Kakasuhan ang 15 na indibidwal ng paglabag sa City Ordinance #12 Series 2020 at Presidential Decree 1602 Illegal Gambling (Illegal Cockfighting) habang si Serdan ay nahaharap din sa paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunitions), Omnibus Election Code at Presidential Decree 1602.

Bella Gamotea