Timbog ang isang pulis na miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) nang ireklamo ng isang 17-anyos na estudyanteng umano'y ginahasa nito sa loob ng silid ng huli sa Barangay Kamuning ng lungsod nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Kamuning Police chief, Lt. Col. Alex Sonido, ang suspek na siChief Master Sgt. (PCMS) Galahad Altajeros, 48, taga-Brgy. Batasan Hills, Quezon City at kasalukuyang nakatalaga sa Crime Laboratory Office ng QCPD.

Sa paunang ulat ng pulisya, naging suki na ang suspek sa kainan ng tiyahin ng biktima na si Theresa Raganas, 35.

At nitong Enero 15, dakong 10:00 ng gabi, nagboluntaryoumano ang suspek na ihatid ang magtiyahin sa kanilang bahay sa Kamuning.

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion

Pagdating sa lugar, iniwan ni Raganas sina Altajeros at ang biktima sa kanilang sala.

Nang paalisin na ito ng biktima dahil matutulog na ito ay tumanggi ang suspek at pinuwersa ang dalaga sa loob ng kuwarto kung saan naganap ang panggagahasa.

Nadiskubre na lamang ni Raganas ang insidente nang puntahan niya ang pamangkin sa kuwartoat agad na sinamahan niya ito sa presinto upang isumbong ang suspek.

Naaresto si Altajerossa loob ng kanilang bahay matapos itong positibong kilalanin ng biktima.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong Rape at paglabag sa Republic Act 7610  (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) laban sa suspek.

Aaron Dioquino