Ibinunyag ng Philippine Navy (PN) nitong Linggo, Enero 16, na magtatayo sila ng naval facilities sa Dinagat Islands upang matiyak ang madaling pag-akses sa isla na mahalaga lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad. 

Sinabi ni Commander Benjo Negranza, tagapagsalita ng PN, na ang Deed of Usufruct ay nilagdaan nina Commodore Carlos Sabarre, kumander ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM), at Dinagat Islands Governor Arlene Bag-ao noong Biyernes para sa pagtatayo ng mga naval facility sa loob ng pamahalaang panlalawigan, sentro ng Dinagat Islands.

Sinabi ni Negranza na ang Deed of Usufruct ay i-eendorso para sa pag-apruba ng Secretary of National Defense.

Inilarawan niya ito bilang isang “pioneer accord” sa pagitan ng Navy at ng Dinagat Islands.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, pinasalamatan naman ni Gobernador Bag-ao ang Navy sa pagiging “first to recognize the value of Dinagat” sa pamamagitan ng pagpapahayag ng interes sa pagtatayo ng mga pasilidad ng hukbong-dagat sa lalawigan.

“As we all know, the province of Dinagat is currently on its road to recovery, 98 percent were ravaged by Typhoon Odette. This will be the first agreement between the Navy and Dinagat, and it’s like a christening. I’m very excited because finally, Dinagat is slowly regaining presence in the world,” dagdag ni Bag-ao.

Ang Dinagat Islands ay isa sa mga lalawigang matinding napinsala ng bagyong “Odette” noong nakaraang taon.

Upang makapaghatid ng relief goods para sa mga apektadong residente, kinailangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na gumamit ng mga barko at eroplano dahil hindi ito ma-access sa pamamagitan ng land travel.

Ngunit sa kasunduan kamakailan, umaasa si Negranza na mas magiging konektado ang lalawigan sa gobyerno para mas madali rin ang paghahatid ng mga serbisyo at kalakal.

Martin Sadongdong