Higit pang bumaba sa dalawang porsyento ang arawang growth rate ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila kung saan ito’y nagpapahiwatig ng dalawang posibleng mga sitwasyon -- ang bilang ng mga impeksyon sa rehiyon ay malapit na sa peak o na ang trend ng mga bagong kaso ay nililimitahan lang ng testing capacity, sinabi ng isang OCTA Research fellow nitong Linggo, Ene. 16.

Larawan mula Dr. Guido David via Twitter

“The growth rate of the seven-day average was two percent, compared to three percent from the previous day. The decrease in growth rate could have two possibilities: the trend of new cases in the National Capital Region (NCR) is close to peak, or new cases in the NCR are limited by the testing capacity,” sabi ni Dr. Guido David, isang OCTA Research fellow sa isang Twitter post.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Idinagdag ni David na ang mga senaryo ay makukumpirma sa mga darating na araw kapag ang mga kaso ay naitala na.

“If new cases start to decrease in the NCR over the next week, then it is the first case. In the second case, we will see the number of new cases continue to hover around the same level until the downward trend happens,” dagdag ni David.

Naiulat sa bansa ang highest single-day tally ng mga bagong kaso noong Enero 15 na may 39,004 na bagong impeksyon.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang NCR, CALABARZON, at Central Luzon ay kabilang sa mga nangungunang rehiyon na may pinakamaraming naiulat na bagong kaso.

Charlie Mae F. Abarca