'Positibo' si dating ABS-CBN news anchor at journalist Korina Sanchez.

Ngunit hindi sa COVID-19 gaya ng 'dasal' ng mga basher niya, matapos ang kontrobersyal na Instagram post niya tungkol sa hindi niya umano pagkakasagap ng virus kahit na kung saan-saan siya nagpupunta, na marahil ay dahil umano sa kaniyang pagtulong sa kapwa. Kalakip pa nito ang dalawa niyang litrato habang naka-swim suit at tila nasa beach.

Nitong Enero 15 ay may panibagong IG post na naman si Korina kung saan makikitang nakasuot siya ng swimsuit at nasa beach siya, kagaya ng 'sinunog' niyang IG post. Positibo pa rin aniya siya sa buhay, magka-COVID man o hindi. Ayaw umano niyang maging 'biktima'.

"I refuse to be a victim. Infected or not, I remain positive. Kaya natin itoh," saad sa kaniyang caption.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Korina Sanchez-Roxas (Screengrab mula sa IG)

Korina Sanchez-Roxas (Screengrab mula sa IG)

"Thank you Lord for the sun, sea and air… and for our HEALTH. Celebrating survival and victory over this virus. We are God’s creations. We will prevail."

Nagpaalala naman siya sa publiko na magpaturok ng COVID-19 vaccine.

"But please be VACCINATED and let's all be safe! Sabi nga no one is safe until everybody is safe!"

Kapansin-pansin na as of this writing ay wala pang netizen na umokray sa kaniyang panibagong IG post na ito.

Isa naman sa mga nagkomento rito ay ang dati niyang kasamahan sa ABS-CBN at kasalukuyang 'TV Patrol' news anchor na si Bernadette Sembrano, na isang COVID-19 survivor.

"Tapang!" komento ni Ate B.

"Kelangan eh," tugon naman ni Koring.

Going back sa pagkaka-bash sa kaniya, ayon sa mga netizen, insensitibo raw ang kaniyang IG post noong Enero 10 lalo na sa mga taong may COVID o kaya sa mga mahal sa buhay nila na mayroon nito, o kaya naman ay sumakabilang-buhay dahil dito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/10/korina-kumambyo-inayos-ang-latest-ig-post-matapos-sunugin-ng-mga-netizen/

Binura niya ang naturang IG post ngunit ibinalik din agad, na may mas maayos na caption na. Sinagot niya ang isang netizen na nagsabing mabuti at ibinalik niya ang post. 'Miscalculation of words' lamang daw ang nangyari.

Matapos na makipagsagutan sa mga bashers na patuloy na sumusunog sa kaniya, muli niyang binalikan ang naturang IG post at mukhang 'namiss' ni Koring ang mga umano'y 'trolls' na todo-lait sa kaniya. Baka raw 'napagod' na ang mga ito.

"So nasaan na ang mga troll na bayaran? Napagod na ba kayo?" aniya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/16/korina-binalikan-ang-nabash-na-ig-post-hinanap-ang-mga-trolls-na-bayaran/

Kilala si Korina sa pagsagot at pakikipagbardahan sa mga bashers na walang habas na nanlalait sa kaniya sa IG.