Hindi nagpaapekto ang dating ABS-CBN news anchor na si Korina Sanchez sa mga pambabash na natanggap niya, sa kaniyang inayos na Instagram post noong Enero 10, kung saan sinabi niya na kaya marahil hindi pa siya nagkaka-COVID ay dahil sa pagtulong niya sa mga tao.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/10/korina-kumambyo-inayos-ang-latest-ig-post-matapos-sunugin-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/01/10/korina-kumambyo-inayos-ang-latest-ig-post-matapos-sunugin-ng-mga-netizen/
"Lahat nagka-covid na. Ako never pa. And I’m ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kasi dami ko tinutulungan?" aniya sa orihinal na caption.
Dahil kinuyog ng mga netizen, kaagad niya itong binura. Ngunit ilang sandali lamang ay ibinalik din niya ito na may mas maayos na caption.
"Thank you Lord. So many sick and infected. I've never been positive—- even as I'm all over for work I have to do. Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito," aniya sa panibagong caption. Saad niya, ang naunang caption ay 'miscalculation of words' lamang.
Matapos na makipagsagutan sa mga bashers na patuloy na sumusunog sa kaniya, muli niyang binalikan ang naturang IG post at mukhang 'namiss' ni Koring ang mga umano'y 'trolls' na todo-lait sa kaniya. Baka raw 'napagod' na ang mga ito.
"So nasaan na ang mga troll na bayaran? Napagod na ba kayo?" aniya.
May dalawa namang netizen na tumugon dito.
"Oo nga nagsawa na natakot baka ma-Omicron sila."
"@korina wala naman masama sa deleted post dahil personal mong dasal 'yun sa Diyos."
Kilala si Korina sa pagsagot at pakikipagbardahan sa mga bashers na walang habas na nanlalait sa kaniya sa IG.
Samantala, patuloy na napapanood si Korina sa kaniyang 'Rated Korina' tuwing Sabado sa A2Z Channel 11, TV5, at Kapamilya Channel at tuwing Linggo naman sa OnePH.