Isang Korean national na wanted sa batas ang naaresto ng awtoridad sa Parañaque City nitong Linggo, Enero 16.

Kinilala ang naarestong dayuhan na si Chungho Lee, 37, pansamantalang nanunuluyan sa Azure Residence, Brgy. Marcelo Green, Paranaque City.

Sa ulat ng Southern Police District, inaresto ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang suspek na si Lee sa Azure Residence,. Brgy Marcelo Green sa nasabing lungsod, dakong 2:40 ng madaling araw.

Sinabi ni SPD chief Brig. General Jimili Macaraeg na si Lee ay isang international fugitive ayon sa Interpol Red Notice para sa criminal act 347-(1) Fraud na may Arrest Warrant Control No. 2018-4490 na inisyu ng Seoul Bukbu District Court, Republic of Korea na may petsang Abril 20, 2018.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Inaresto si Lee sa pamamagitan ng joint Law Enforcement Operation ng mga tauhan ng Parañaque Station Intelligence Section, Station Investigation and Detective Management Section, Police Sub-station 8, at Armed Forces of the Philippines sa pangunguna ni Maj Brent Ian Salazar.

Ang Korean suspect ay agad na ititurn-over sa Bureau of Immigration Main Office para sa kaukulang disposisyon nito.

“These international criminals are not allowed to stay here in the Philippines. Many of them are mostly part of international syndicates that try to establish themselves here in our country but through the continuous coordination with different government agencies we will make sure that these criminals will be placed behind bars,” sabi ni Macaraeg.

Bella Gamotea