Ibinida ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang kaniyang white gown, para sa pagbubukas ng Sinulog 2022 sa Cebu City ngayong Enero 16, 2022.
Ang naturang white gown ay pinangalanang 'Hope' na likha ng premyado at word-class fashion designer na si Cary Santiago, ayon sa caption ng 'Gov. Gwen Garcia' Facebook page.
"Hope."
"Gov. Gwendolyn Garcia wears a white gown created by award-winning and world-class fashion designer Cary Santiago for her Sinulog dance today, Jan. 16, 2022."
Ang disenyo ng gown at kaniyang headdress ay simbolo umano ng muling pagbangon ng Cebu sa naranasang pananalasa ng super typhoon Odette noong Disyembre 2021. Kaya umano 'Hope' ang pangalan ng gown na sa wikang Tagalog ay 'pag-asa.'
"The gown features an upward pattern which symbolizes Cebu's road to recovery after the devastation left by Super Typhoon Odette and a headdress resembling the rays of the sun to symbolize that hope is within reach."
"Governor Garcia, along with several Provincial Board members, will open today's Sinulog 2022 - Virtual Presentation and Telethon with a “prayer dance” to the Sto. Niño."
Sa isa pang Facebook post, makikitang pinangunahan ni Garcia ang prayer dance hudyat ng pagsisimula ng Sinulog, kasama ng mga Sinulog 2022 dancers.
"Cebu Provincial Government Sinulog 2022 dancers led by Governor Gwendolyn Garcia," ayon sa caption.