Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng panibagong 37,154 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo, Enero 16, 2022, sanhi upang umabot na sa mahigit 287,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa case bulletin #673 na inisyu ng DOH, nabatid na umaabot na ngayon sa 3,205,396 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 9.0% pa o 287,856 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso, 273,924 ang mild cases; 9,212 ang asymptomatic; 2,940 ang moderate cases; 1,475 ang severe cases; at 305 ang kritikal.

Metro

Live-in partners sa Maynila, hinikayat na lumahok sa libreng kasalan sa Hunyo

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 30,037 bagong gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa 2,864,633 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 89.4% ng total cases.

Nasa 50 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman nitong Linggo.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 52,907 total COVID-19 deaths o 1.65% ng total cases.

Mary Ann Santiago