Tatlumpu't dalawang bagong S-70i Black Hawk helicopter ang idadagdag sa fleet ng Philippine Air Force (PAF) sa susunod na apat na taon matapos aprubahan ang P32-bilyong pondo para rito ng Department of National Defense (DND), pagbabahagi ni Secretary Delfin Lorenza nitong Linggo, Ene. 16.

Sinabi ng Defense Chief na ang Notice of Award ay inisyu sa PZL Mielec ng Poland noong Disyembre 28, 2021.

Kasama sa proyektong acquisition ang Initial Logistics Support (ILS) Package at pagsasanay para sa mga piloto at maintenance crew.

“The lack of transport planes and helicopters have never been more acute during the pandemic and in the aftermath of Typhoon Odette. This was exacerbated by our aging Hueys that have become uneconomical to maintain,” ani Lorenzana.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“Upon the instruction of the President, we are procuring additional 32 brand new S-70i Blackhawk helicopters,” dagdag niya.

Ang unang batch ng limang yunit ng Black Hawks ay ihahatid sa 2023. Samantala, 10 yunit ang darating sa 2024; 10 pang yunit sa 2025; at ang huling pitong yunit ay aasahan sa 2026.

“The Contract Agreement is now being drafted, after which I will issue a Notice to Proceed to officially commence the project,” ani Lorenzana.

Ang pangangailangan ng gobyerno para sa mas maraming sasakyang panghimpapawid ay itinampok sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease (COVID-19) kung saan ang mga asset ng militar ay ginamit upang maghatid ng mga medikal na suplay, kagamitan, at mga tauhan sa buong bansa kasunod ng paghihigpit o limitadong pag-akomoda ng mga commercial flight.

Ang mga asset ng militar ay mahalaga rin sa transportasyon ng mga relief goods at mga tauhan sa mga lugar na kamakailan ay sinalanta ng bagyong Odette noong nakaraang buwan.

Karamihan sa mga heavy lifting sa mga operasyong ito ay ginawa ng kasalukuyang Black Hawk squadron ng PAF na pumalit sa matagal nang Huey choppers na nakuha pa noong 1970s.

Wala pang dalawang buwan ang nakalipas, aktuwal na natapos ng PAF ang pagkuha ng 16 na bagong Black Hawk helicopters na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P11.5 bilyon mula sa PZL Mielec.

Ang unang batch ng anim na yunit ay nai-deliver mula Nob. 9 hanggang Dec. 2, 2020 ngunit isa sa kanila ay nasangkot sa isang fatal crash sa Capas, Tarlac noong Hunyo 24, 2021 na ikinamatay ng anim na airmen. Dumating ang ikalawang batch ng limang yunit noong Hunyo 24, 2021 habang ang ikatlong batch ng limang yunit ay dumating noong Nob. 8, 2021.

Martin Sadongdong