Nanawagan si opposition Senator Leila de Lima sa Senado na magsagawa ng inquiry sa naging pasya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kamakailan na tanggalin ang pagbabawal sa open-pit mining sa bansa.

Sa paghahain ng resolusyon, hinimok ni De Lima ang Senado na repasuhin ang nasabing desisyon at alamin ang iba pang paraan upang makakalap ng yaman nang hindi nakokompromiso ang kaligtasan ng mga tao at hindi nasisira ang kapaligiran.

“There is a need to conduct a thorough review of this policy decision as this can potentially open up the country once more to irresponsible mining practices which could further compromise the environment and pose health and safety risks to people and their communities,” ani De Lima sa Senate Resolution na elektronikong inihain sa Senate Legislative Bills and Index Service noong Enero 10.

“It beehoves the government to exert all efforts to explore other avenues before resorting to possibly catastrophic means of generating wealth for our country at the cost of sustainability and the welfare of present and future Filipinos,” dagdag ng senador na naghahangad ng re-election sa eleksyon sa Mayo.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ang resolusyon ay hindi pa nabibigyan ng bilang dahil ang Senado ay kasalukuyang nasa ilalim ng lockdown para sa pagdidisimpekta sa Senate hall laban sa COVID-19.

Noong Disyembre 23, 2021, nilagdaan ni Environment Secretary Roy Cimatu ang Administrative Order No. 2021-40, na inaalis ang apat na taong pagbabawal sa open-pit mining na pinasimulan ng kaniyang predecessor sa departamento na si Regina Lopez.

Matatandaang ipinagtanggol ng gobyerno ang hakbang laban sa mga environmenal groups na pumuna sa desisyon bilang "shortsighted and misplaced development priority" at sa halip ay iginiit na bahagi ito ng mga hakbang upang buhayin ang ekonomiya na pinadapa ng mga negatibong epekto ng COVID-19 pandemic.

Sumang-ayon si De Lima sa mga environmental group na nagsasabing ang open-pit mining ay nagdudulot ng malaking panganib sa buhay ng tao. Sinabi niya na kinakailangan para sa Estado na laging sumandal sa caution side.

Dagdag ng senadora na ang masamang epekto sa kapaligiran ng unregulated open-pit mining ay well-documented kung saan binanggit nita ang 1996 Marcopper mining disaster sa lalawigan ng Marinduque.

“It is evident from the numerous mining disasters that have occurred in the country that we have still yet to figure out how to consistently extract our mineral resources in a safe and efficient manner and reduce or altogether prevent such accidents from occurring,” ani De Lima.

“In this case most especially, when open-pit mining has been time and again proven to virtually eliminate any biologic life at the surface of earth, the State must first ask whether it would be prudent to think of only short-term benefits even when confronted with proof that open-pit mining results in the stripping of vegetation which leaves the surface of every dig site completely barren,” dagdag niya.

Sinabi ni De Lima na kailangan ding matukoy kung ang mga patakaran sa replanting ay nailatag bago ang pagtanggal ng moratorium.

“It must also first be determined whether policies on replanting and restoring the ecosystem have been put in place before lifting the moratorium given that open-pit mining sites take decades to recover,” paliwanag niya.

Sinabi rin ng mambabatas na kailangan ng pagsusuri sa kasalukuyang kapasidad ng regulasyon ng DENR “to ensure that the present safeguards can be implemented and that our regulators will not be overwhelmed by the operations of the mining companies.”

Hannah Torregoza