Iniulat ng isang independent monitoring group nitong Linggo na nakapagtala na lamang ang National Capital Region (NCR) ng 2% na COVID-19 case growth rate sa nakalipas na pitong araw.

Paliwanag ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, nangangahulugan ito na ang mga bagong kaso ng sakit sa rehiyon ay malapit na sa peak o kaya ay maaaring dulot din ng limitadong testing capacity.

Sa kanyang tweet nitong Linggo, sinabi ni David na ang NCR ay nakapagtala ng 18,422 bagong impeksyon nitong Sabado na pasok sa kanilang range of expectations.

Dahil dito, ang daily growth rate ng rehiyon sa seven-day average ay bumaba na lamang sa 2%, kumpara sa 3% na naitala noong Biyernes.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

“The NCR reported 18,422 new COVID-19 cases on January 15, within the range of expectations.As a result, the growth rate of the 7-day average was 2%, compared to 3% from the previous day,” ani David.

Ipinaliwanag naman ni David na ang naturang downtrend sa growth rate ay mayroong dalawang maaaring rason.

Una, ang trend ng mga bagong kaso ng sakit sa NCR ay malapit na sa peak at ikalawa, maaaring ang volume of testing ay hindi sapat dahil sa dami ng mga bagong kaso.

“If new cases start to decrease in the NCR over the next week, then it is the first case.In the second case, we will see the number of new cases continue to hover around the same level, until the downward trend happens. We will know soon enough,” dagdag pa ni Davd.

Mary Ann Santiago