Namayagpag ang tandem nina presidential aspirant at dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na "most preferred" ng mga residente sa Caloocan City na manalo sa 2022 elections.

Base ito sa survey na isinagawa ng Actual and Comprehensive Evaluation, Inc. noong Disyembre 2021.

Nanguna si Marcos sa survey na nakakuha ng 71 porsyento mula sa 5,164 na respondents mula sa tatlong distrito ng lungsod.

Lumabas sa survey na parehong nakakuha ng 10 porsyento sina Vice President Leni Robredo at Manila City Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, sinundan ni Senador Panfilo "Ping" Lacson na nakakuha ng limang porsyento, at dalawang porsyento kay Senador Manny Pacquiao, habang dalawang porsyento ay nananatiling undecided.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Namayagpag si Marcos na may 74 na porsyento sa unang distrito ng Caloocan City, 67 porsyento sa District 2, at 71 na porsyento sa third district.

Samantala, nanguna sa vice presidential survey si Duterte na nakakuha ng 49 na porsyento. 

Sinundan ni Senador Vicente "Tito" Sotto III na 34 na porsyento; Dr. Willie Ong, siyam na porsyento; Senador Francis "Kiko" Pangilinan, apat na porsyento; at tatlong porsyento ang nananatiling undecided.

Aaron Dioquino