Naghatid ang Philippine Coast Guard (PCG) ng hindi bababa sa 40 tonelada ng relief food at iba pang assistance package para sa mga residente ng Palawan na nasalanta ng bagyong “Odette” noong nakaraang taon.

Sa pahayag na inilabas noong Sabado, Enero 15, sinabi ng PCG na kabilang sa mga pinadala ay ang solar lights, generator sets, mattresses, mga gamot, sako ng bigas, at mga de-lata. Lahat sila ay inihatid ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) mula Maynila patungong Puerto Princesa at El Nido

Sinabi ni PCG District Palawan Commander, CG Captain Angel Z. Viliran na ang mga suplay ay nagmula sa iba't ibang humanitarian organizations, pribadong sektor, at ahensya ng gobyerno.

“The donations will be turned over to the Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) for immediate distribution to recovering families who are currently staying in temporary evacuation centers and those who recently returned to reconstruct their damaged homes,” sabi ni Viliran.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Faith Argosino