Ipatutupad na ang "no vaccine, no ride" policy sa Pasig River Ferry Service simula sa Lunes, Enero 17, ayon sa inilabas na abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa ilalim ng polisiya, kailangan ipakita ng mga pasahero ang kanilang vaccine cards para makasakay.
Pinaalalahanan ang mga pasahero na huwag kalimutang dalhin ang kanilang Vaccination card at valid identification card (ID).
Ang polisiya ay alinsunod sa patakarang “no vaccination, no ride/entry” ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pampublikong transportasyon sa National Capital Region (NCR) habang umiiral ang Alert Level 3 o higit pa.
Pansamantalang suspendido ang operasyon nito hanggang Enero 15 (Sabado) para bigyang-daan ang masusing paglilinis at disinfection ng mga pasilidad nito upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero kontra COVID-19.
Balik-operasyon ang ferry service sa Lunes.
Bella Gamotea