Sumang-ayon ang mga alkalde sa Metro Manila na panatilihin ang quarantine status ng National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3 sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa kanyang panayam sa Laging Handa ng PTV noong Sabado, Enero 15, binigyang-katwiran ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Benhur Abalos ang desisyong ito na nagsasabing ang umiiral na mga paghihigpit sa COVID ay nagtutulak sa mga tao sa National Capital Region na manatili sa bahay at maging maingat sa kanilang paggalaw sa labas ng kanilang mga tahanan.

“Hindi ka pa man nagtataas, ang ating mga kababayan ay nagkakaroon na ng self-discipline na sila na mismo nagse-self-regulate sa sarili nila,” sabi ni Abalos.

“Ang purpose ng alert levels ay mobility, pero kung nakikita naman natin ang mga tao ay nasa bahay lang at sila mismo ang disiplinado nagreregulate sa kanila sarili isa ito sa mga basehan sa mga alert level,” dagdag niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isinulong din ni Abalos ang pangangalaga sa tahanan at telemedicine para sa mga nahawahan, na binabanggit na karamihan sa mga pasyente na may aktibong kaso sa mga quarantine facilities ay asymptomatic o may banayad na sintomas.

“Yung ating cases ay mild or asymptomatic, kaya nga meron tayong bagong programa yung tinatawag nating home care ibig sabihin kung ang bahay mo naman may sarili kang kuwarto at banyo, itsi-check ka ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT),bibigyan ka ng kaukulang qualification kung puwede ka na dun na lang sa bahay mo,” paliwanag niya.

Hinikayat ni Abalos ang lahat na makipag-ugnayan sa kani-kanilang LGUs (local government units) kung kailangan nila ng tulong o contact details ng pribado at pampublikong ospital at organisasyong nag-aalok ng telemedicine o tele-consultation.

Sinabi rin ng MMDA chairman na naipasa na ng lahat ng alkalde ang kanilang hiwalay ngunit pare-parehong ordinansa na naglilimita sa paggalaw ng mga hindi pa nabakunahan sa ilalim ng Alert Level 3.

“So far, no citizens violated the restriction,” aniya.

Ang NCR ay kasalukuyang nasa Alert Level 3 hanggang Enero 31.

Faith Argosino