Nakatakdang magpatupad ang Grab Philippines ng lingguhang COVID testing sa mga hindi pa bakunadong driver at delivery riders sa kanilang platfrom bilang bahagi ng pagsisikap na matiyak ang kaligtasan ng mga partner at consumer nito.

Ang mandatory testing, na magsisimula sa Lunes, Enero 17, ay magiging bahagi ng GrabProtect Program ng kumpanya bilang suporta sa kamakailang mga patakaran ng gobyerno tungkol sa hindi nabakunahan na mga indibidwal sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Grab, ang mga driver at delivery partner na magnenegatibo sa pagsusuri sa Grab-accredited testing sites ay makatatanggap ng mga booking mula sa platform.

Samantala, hinikayat din ng Grab ang mga kasosyo nitong ganap na nabakunahan na kumuha na ng kanilang mga booster shot mula sa kani-kanilang local government units.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Dinagdagan din ng ride-hailing app ang COVID Assistance Fund by 4X para suportahan ang mga ganap na bakunadong partner na maaaring nagkasakit ng COVID-19 at kailangang mag-self-isolate.

Sinabi ng Grab na makatutulong ang tulong na mabayaran ang potensyal na pagkawala ng kita at mga gastusin sa medikal ng kanilang mga driver at delivery-partner na positibo sa COVID, gayundin ang mga maaaring makaranas ng mga side effect mula sa kanilang mga booster shot.

Upang matiyak ang kaligtasan at kalinisan sa buong platform, hinimok din ang mga kasosyo ng Grab na regular na dis-impektahin ang kanilang mga sasakyan at ang kanilang mga gamit, at sundin ang mga public health protocol.

“By continuously enhancing our existing safety and hygiene protocols, we are supporting many Filipinos who rely on Grab for their everyday needs and livelihoods,” ani Grab Philippines Country Head Grace Vera Cruz.

“Grab will continue to support the fight against COVID, and rest assured that we will continue to revisit, enhance, and tailor our safety and hygiene measures to better support our kababayans,” dagdag niya.

Alexandria Denisse San Juan