Hindi sang-ayon ang senatorial candidate ng oposisyon na si Chel Diokno sa mga banta ng gobyerno na arestuhin ang mga hindi pa bakunadong Pilipino, at sinabing sa halip ay dapat itong maglunsad ng malawakang information campaign upang matugunan ang pag-aalinlangan sa bakuna.

Makakatulong ito sa gobyerno na makapag-inoculate ng mas maraming tao matapos maabot ang inisyal nitong COVID-19 vaccination target na 54 milyon o 70 porsiyento ng target na populasyon ng bansa.

Noong Huwebes, Enero 13, ang vaccination program ng gobyerno ay ganap nang nakapagbakuna ng nasa 54.457 milyong indibidwal, habang nasa 30 milyon ang nananatiling hindi pa nababakunahan.

“Simply appealing to the unvaccinated to get vaccinated won’t work. Neither will the threat to arrest them. What government must do is undertake a massive literacy and information campaign addressing the fake news and other reasons why they don’t want to get vaccinated,” ani Diokno kasunod ng muling panawagan ng gobyerno sa mga hindi pa bakunadong indibidwal.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Ikinalungkot ng human rights lawyer na marami pa ring Pilipino ang naniniwala sa fake news tungkol sa pagbabakuna sa COVID-19, kabilang ang mga alegasyon na may microchips o magnet ang bakuna.

Iginiit din niya na dapat tugunan ng gobyerno ang iba pang pinagbabatayan na dahilan kung bakit nag-aalangan ang ilang Pilipino na ma- inoculate, kabilang ang mga naunang karanasan sa iba pang mga bakuna.

Si Diokn na tumatakbo sa pangalawang pagkakataon sa Senado ay naunang nangako sa paglikha ng isang science and technology-driven council na papalit sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases kung siya ang mananalo sa Mayo.

Iminungkahi niya ang paglikha ng isang Pandemic Management Council (PMC) na inaasahang magplano at harapin ang malawakang paglaganap ng mga nakakahawang sakit sa hinaharap.

Inilunsad ng pamahalaan ang pinaigting na kampanya upang ihiwalay ang mga hindi bakunadong Pilipino habang ang bilang ng mga arawang bagong kaso ng COVID-19 ay lumaki sa mahigit 37,000 noong Biyernes, Enero 14.

Napigilan na nito ang mga hindi nabakunahang Pilipino na sumakay ng pampublikong sasakyan. Ang patakarang "no vaccination, no ride" ay ganap na ipapatupad sa Lunes, Ene. 17.

Ipinag-utos na rin ni Pangulong Duterte sa mga opisyal ng barangay na higpitan ang paggalaw ng mga hindi pa nabakunahan. Hindi rin sila papayagan sa loob ng mga commercial establishments.

Raymund Antonio