Napipintong magpapatupad muli ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis,posibleng tataas sa Martes, Enero 18, ng P2.10 hanggang P2.20 ang presyo ng kada litro ng kerosene, P1.70-P1.80 sa presyo ng diesel at P0.85-P1.00 naman marahil ang ipapatong sa presyo ng gasolina.

Ang nagbabadyang price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sakaling ipatupad,ito na ang ikatlong bugso ng oil price hike ng mga kumpanya ng langis.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Noong Enero 11, huling nagtaas ng P1.10 sa presyo ng diesel, P0.90 sa presyo ng kerosene at P0.75 naman sa presyo ng gasolina.

Bella Gamotea