Umaapela ang pamahalaang panlalawigan ng Rizal para sa pang-unawa ng publiko dahil nananatiling sarado ang COVID-19 testing facility nito sa Ynares Center compound sa Antipolo City simula noong Biyernes, Enero 14 dahil sa dumaraming bilang ng mga nagkakasakit na frontline personnel at healthcare workers.

Sa isang anunsyo sa Facebook, sinabi ng tanggapan ni Rizal Governor Rebecca Ynares na ang Rizal Mega Testing Center sa Ynares Events Center ay mananatiling sarado para sa disinfection dahil ang lahat ng mga tauhan nito ay kasalukuyang nasa mandatoryong isolation at quarantine.

Ang naturang testing center ay nagbibigay ng libreng swab at antigen testing para sa naka-iskedyul at walk-in na indibidwal, resident, at hindi residente ng probinsya.

Nel Andrade

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente