Dalawang masuwerteng mananaya ang naging milyonaryo sa dalawang lotto draw na isinagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes ng gabi.

Inanunsyo ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma nitong Sabado na nahulaan ng unang bettor ang winning combination na 53-10-19- 21- 42-47 ng Ultra Lotto 6/58, kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na₱70,258,716.80.

Nabili aniya ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa San Fernando City, La Union.

Samantala, isang lone bettor rin mula naman sa Sto. Domingo, Nueva Ecija ang nakahula naman sa six-digit winning combination na 24-31-20-17-13-18 ng Mega Lotto 6/45, at nakapag-uwi ng jackpot prize na₱20,212,102.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Pinayuhan naman ni Garma ang dalawang bagong milyonaryo ng lotto na upang makubra ang kanilang panalo ay magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanilang winning tickets at dalawang balidong IDs.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law, ang lotto winnings na higit sa₱10,000 ay subject sa 20% final tax.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang Mega Lotto 6/45 naman ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Mary Ann Santiago