Nakapagtala ang Pilipinas ng mataas na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa dalawang magkasunod na araw sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Omicron variant.

Umabot sa 37,207 ang bagong kaso ng COVID-19 ngayong Biyernes, Enero 14-- sa ngayon, ito na ang pinakamataas na single-day tally. Tinalo nito ang record na 34,021 noong Huwebes, Enero 13.

Ngayong araw, umabot na sa 3,129,512 ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa. Umabot naman sa 265,509 ang aktibong kaso ng COVID-19.

Sa naturang bilang ng aktibong kaso, 252,502 ang mild, 2,013 ang moderate condition, 1,469 ang severe, at 300 ang kritikal.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Nakapagtala rin ng 82 na namatay sa sakit at 9,027 ang mga gumaling. Ang recovery tally ay umakyat sa 2,811,188 habang 52,815 ang namatay.

Analou de Vera