Sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo na mas gugustuhin niyang talunin ang kanyang kalaban na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa halalan sa Mayo kaysa madiskuwalipika ito sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Muling tumanggi si Robredo na magbigay ng komento sa disqualification case ni Marcos ngunit matatag siyang nanindigan sa isyu sa isang panayam sa telebisyon noong Huwebes ng gabi, Enero 13.

“Ayokong mag-comment doon sa disqualification case. But if you are– if you were to ask me, mas gusto ko talunin siya sa eleksyon para matapos na ito,” ani Robredo sa isang panayam sa CNN Philippines.

Sinabi ng naghahangad na pangulo na gusto niyang wakasan na ang paratang ni Marcos na siya ay nandaya noong 2016 national elections nang pareho silang tumakbong Bise Presidente.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Ang daming naniniwala na dinaya ko siya, kahit ilang beses pa ako nanalo sa Supreme Court, ito yung narrative na pinu-push niya,” sabi ni Robredo.

“So, kailangan talagang talunin siya sa susunod na eleksyon para once and for all, mahinto na yung ginagawa niya na pagpapapaniwala sa tao noong narrative na gusto niya i-push,” dagdag ng aspiring President.

Naniniwala rin ang Bise Presidente na siya ay "most definitely" ang magiging huling babaeng tatayo muli sa karera sa pagkapangulo.

“Most definitely… Unang-una, I am the only woman candidate again just as I was when I ran for the vice presidency and number two, again my record will speak for itself. Ang dami kong pinagdaanan in the last five and a half years that I was Vice President and nakatayo pa din ako ngayon at lumalaban pa din,” ani Robredo nang tanungin siya kung maaari niyang sabihin muli ang parehong iconic na parirala na ginamit niya noong 2016 Vice Presidential debate.

Gayunpaman, sa pagkakataong ito, iginiit niya, na kailangan nilang doblehin ang kanilang pagsisikap sa pagharap sa mas mahihirap na hamon sa social media sa panahon ng kampanya.

“Because alam natin sobrang dami nang fake accounts ngayon, alam natin na social media is working on algorithms so nasa-saturate talaga yung mga distribution channels na ‘yung tao hindi na nabibigyan ng enough opportunity to really know what is right and what is wrong. So, kailangan doble talaga yung effort to make it known to people what is true and what is not,” sabi ni Robredo.

Betheena Unite