Kanselado sa taong pampaaralan 2021-2022 ang limited face-to-face classes sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Sa isang televised interview, kinumpirma ni Commission on Higher Education (CHED) Prospero De Vera ang pagpapaliban ng in-face classes ng nasabing unibersidad sa kasalukuyang taong pang-akademiko.

"Ang Polytechnic University of the Philippines, sinabi sa akin ni President [Manuel] Muhi noong isang araw, ang kanilang paggamit ng option ng limited face-to-face [classes] ay next school year na nila gagawin, hindi this school year,” ani De Vera sa isang televised public briefing.

Ayon pa kay De Vera, kasalukuyang pinagtutuunan ng pansin ng unibersidad ang pagpapabuti ng delivery systems ng kanilang online at offline classes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, kanselado naman ang lahat ng synchronous at asynchronous activities sa lahat ng year levels ng PUP dahil sa pagpalo ng COVID-19 cases sa bansa.

Basahin: Klase at mga aktibidad ng PUP, suspendido dahil sa COVID-19 surge

Epektibo ang suspensyon mula Enero 10 hanggang 16, 2022 sa lahat ng sangay at satellite campuses ng unibersidad, at sakop nito ang graduate at law schools.

Sinabi pa ng PUP na susuriin nila ang sitwasyon sa Enero 14, 2022 at saka magdedesisyon kung palalawigin pa ba ang suspensyon o hindi na.

“The administration shall assess the situation by January 14, 2022 to decide whether or not to extend this period of suspension,” bahagi ng memorandum order na pirmado ni Vice President Emanuel de Guzman