Sinabi ng Philippine Red Cross (PRC) nitong Biyernes, Enero 14 na sinisikap nitong ibaba pa ang presyo ng kanilang RT-PRC test sa kabila ng pag-aalok ng pinakamurang tests ngayon sa bansa.

“Right now we offer the best-priced RT-PCR test in the country,” ani PRC Chairman and Chief Executive Officer Sen. Richard Gordon.

Ayon kay Gordon, ang humanitarian organization ay naghahanap ng mas maraming paraan para mapababa ang presyo nito para mas maging abot-kaya pa ito sa publiko.

“Pinagaaralan namin yan. Syempre, mayroon tayong gastusin to support our operations. Of course, we have our expenses to support our operations. We introduced the Saliva RT-PCR test which is also a gold standard for testing and a lower-priced alternative to Swab RT-PCR test,” aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Noong Setyembre 2, 2021, inihayag ng PRC sa publiko na ang RT-PCR tests para sa presyo ng swar at saliva ay ibinaba ng 25 porsiyento. Mula P3,800.00 hanggang P2,800 para sa swab RT-PCR test at P2,000.00 hanggang P1500 para sa laway RT-PCR test.

Sa kasalukuyan, ang PRC ay mayroong 14 na molekular na laboratoryo sa buong bansa, na nagsagawa ng higit sa 5 milyong tests na tinatayang sumasakop sa pinakamalaking bahagi ng testing sa buong bansa sa wide margin.

Upang gawing accessible ang pagsusuri sa mga taong gustong magpa-test, sinabi ng PRC na mayroon itong umiiral na partnership sa iba't ibang shopping centers tulad ng SM Supermalls, Robinsons, Araneta City, at Ayala Malls na nagsisilbing saliva collection sites.

Dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa bansa, hinimok ni Gordon ang publiko na magpasuri kaagad para sa maagang pagtukoy ng virus upang maiwasan ang pagkalat. Aniya, kahit na ang mga indibidwal na ganap na nabakunahan ay maaari pa ring maging carrier ng virus at maaaring makaapekto sa mga bata, senior citizen, at mga hindi pa nabakunahan.

Dhle Nazario