Posible umanong nagsisimula pa lamang ng pag-akyat sa pinakamataas ang naitatalang mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa OCTA Research Group nitong Biyernes, Enero 14.
Reaksyon ito ni OCTA fellow Dr. Guido David nang maitala ng Department ang bagong record-high na 34,021 na COVID-19 cases, kaya umabot na sa 3,092,409 ang kabuuang kaso nito sa bansa.
Gayunman, binanggit ni David na mababa lamang ng limang porsyento ang daily growth rate nito kumpara sa 11 porsyento sa nakalipas na araw.
Nilinaw din nito na bumaba rin ang reproduction number sa 3.77 nitong Enero 10.
"It appears that the daily new cases in the NCR may be peaking already. While this is welcome news it must be emphasized that we are not out of the woods yet, and data in the next few days will clarify the trends," sabi pa nito.