Sa patuloy na pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa bansa, nagdesisyon ang pandemic task force ng gobyerno na panatilihin sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) hanggang sa katapusan ng buwan.
Ginawa ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang anunsyo isang araw bago ang inaasahang huling araw ng pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila sa Enero 15.
Sa kanyang press briefing nitong Biyernes, Enero 14, bukod sa Metro Manila, binanggit ni Nograles na ang mga sumusunod na lugar ay isasailalim sa Alert Level 3 simula Enero 16 hanggang 31, 2022:
- Baguio City
- Ifugao
- Mountain Province
- Dagupan City
- Ilocos Sur
- City of Santiago
- Cagayan
- Angeles City
- Aurora
- Bataan
- Bulacan
- Olongapo City
- Pampanga
- Zambales
- Rizal
- Batangas
- Cavite
- Laguna
- Lucena City
- Marinduque
- Romblon
- Camarines Norte
- Catanduanes
- Naga City
- Sorsogon
- Iloilo City
- Iloilo
- Negros Occidental
- Guimaras
- Lapu-Lapu City
- Bohol
- Cebu
- Negros Oriental
- Ormoc City
- Biliran
- Eastern Samar
- Leyte
- Northern Samar
- Southern Leyte
- Western Samar
- City of Isabela
- Zamboanga City
- Zamboanga Del Sur
- Bukidnon
- Iligan City
- Misamis Occidental
- Misamis Oriental
- Davao Del Sur
- Davao Del Norte
- General Santos City
- South Cotabato
- Surigao Del Sur
- Agusan Del Norte
- Lanao Del Sur
Itataas din ang Alert Level 3 sa mga sumusunod na lugar mula Enero 14 hanggang sa katapusan ng buwan:
- Benguet
- Kalinga
- Abra
- La Union
- Ilocos Norte
- Pangasinan
- Nueva Vizcaya
- Isabela
- Quirino
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Quezon Province
- Occidental Mindoro
- Oriental Mindoro
- Camarines Sur
- Albay
- Bacolod City
- Aklan
- Capiz
- Antique
- Cebu City
- Mandaue City
- Tacloban City
- Cagayan de Oro City
- Davao City
- Butuan City
- Agusan Del Sur
- Cotabato City
Samantala, ang mga sumusunod na lugar ay isasailalim sa Alert Level 2 simula Enero 16 hanggang 31, 2022:
- Apayao
- Batanes
- Palawan
- Puerto Princesa City
- Masbate
- Siquijor
- Zamboanga Del Norte
- Zamboanga Sibugay
- Camiguin
- Lanao Del Norte
- Davao De Oro
- Davao Occidental
- Davao Oriental
- North Cotabato
- Sarangani
- Sultan Kudarat
- Dinagat Islands
- Surigao Del Norte
- Basialan
- Maguindanao
- Sulu
- Tawi-Tawi
Noong Enero 13, 2022, naitala ng Pilipinas ang 34,021 na bagong kaso ng COVID-19 sanhi upang umabot sa 3,092,409 ang kabuuang bilang ng sakit sa bansa.