Sa patuloy na paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng magkapatid na sina Crizzlle Gwynn at Crizvlle Louis Maguad, naisipan ng mga malalapit na kaibigan nila na magsagawa ng donation drive upang makatulong sa mga gastusin ng pamilya.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/

Ayon sa grupo ng magkakaibigan, ginagawa nila ito upang hindi maramdaman ng mga magulang ng magkapatid na hindi sila nag-iisa sa laban na kinahaharap nila. 

Saad din nila na magiging mahaba, nakakapagod, at magastos ang proseso.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay Kenneth Cadagat, isa sa mga malalapit na kaibigan ng Maguad siblings, ilan sa umano'y gagastusin ng pamilya ay ang abogado, psychotherapy, at transportasyon dahil halos araw-araw bumibiyahe sina Cruz at Lovella Maguad, magulang ng magkapatid, para sa mga kailangang asikasuhin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/02/ina-ni-janice-lumuhod-sa-mga-magulang-ng-maguad-siblings/

Sinabi rin ni Cadagat na nag-aalangan sina Cruz at Lovella tungkol sa donation drive dahil nahihiya umano ang mga ito.

"We never asked for how much they really needed. Kasi si tito and tita is hesitant nung una about this donation drive nahihiya kasi sila. But we know na they really needed a fund kasi si tita hindi na maka work nang maayos as principal because she had to follow up the cases," ani Cadagat sa panayam sa Balita.

Kaugnay nito, opisyal nang iniakyat sa Regional Trial Court sa Kidapawan City ang double murder case na isinampa laban sa dalawang menor de edad na suspek sa brutal na pagpatay sa dalawang magkapatid noong Disyembre 10, 2021 sa loob ng kanilang bahay.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/02/sakristan-isa-pang-suspek-sa-pagpatay-sa-maguad-siblings/

Sa panayam ng "Newsline Philippines" sa pamilya Maguad, umakyat na ang dalawang resolusyon na inilabas ng North Cotabato Prosecutor's Office laban sa dalawang menor de edad na suspek na sina "Janice" na 16 taong gulang at "Carl," 17-anyos. Wala rin sila umanong lakas ng loob na basahin ang isinumiteng Extrajudicial Confession ng mga akusado sa pamamagitan ng kanilang private counsel.

Nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang suspek.

Samantala, sa mga nais tumulong sa Pamilya Maguad sa pamamagitan ng binuong donation drive, maaari lamang i-click ang link na ito: https://maguadsiblings.com/about.html at pindutin ang "for donations" button.