To the rescue ang aktor at senatorial aspirant na si Robin Padilla sa mga patuloy na kumukutya sa kalagayan ng kaniyang dating kasintahan na si Kris Aquino na kasalukuyang nahaharap sa isang seryosong medikal na kondisyon.

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Enero 14, isinapubliko na ni Robin ang kaniyang pag-aalala sa kalagayan ni Kris.

“Ako po ay nag aalala kay ms Kris Aquino bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino,” ani Robin.

Matatandaang noong Disyembre 24, 2021, isinapubliko ni Kris ang kaniyang medical certificate.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Basahin: Kris Aquino, piniling tumulong kahit masama ang pakiramdam – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa naturang medical certificate, nakitaan siya ng “severe muscle spasms due to excessive exertion” at “outbreak of rashes” sa kaniyang mukha at mga braso dahilan para sa kaniyang matinding pangangayayat.

Sunod itong nanawagan si Robin na itigil na ang pag-atake kay Kris.

“Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay Ms. Aquino na magpaka makatao muna po kayo,” sabi ng aktor.

“Hindi naman po tayo bulag para makita na may dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamutan,” dagdag niya.

Sa halip na pagkutya, hinikayat ni Robin na magpaabot ng “moral support” sa aktres.

“Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang Taong May karamdaman,” ani Robin.

"Ano man po ang ating religion o ang ating political affiliations ay ipagpanalangin po natin ang kanyang kalusugan,” dagdag niya.

Basahin: Alamin ang sakit ni Kris Aquino; ano ang mga sintomas at paano ito maiiwasan? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid