Sinabi ng Department of Health (DOH) na walang masama sa desisyon ng ilang local government units (LGUs) sa pagdedeklara ng “health break” sa kani-kanilang nasasakupan sa gitna ng tumataas na bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga LGU ay may "awtoridad" na gumawa ng mga naturang desisyon.

“Prerogative naman po iyan naman ng mga local governments because they are mandated to protect the health of their constituents,” sabi ni Vergeire sa naganap na Malacanang press briefing nitong Biyernes,  Enero 14.

“Kung nakikita nila na mataas ang kaso sa kanilang lugar, nakikita nila na pati yung kabataan, kasama yung mga bata na nag aaral online ay naapektuhan nitong pagtaas ng kaso sa ating bansa, they have that authority to do that,” dagdag niya.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay nagdeklara ng health break noong Enero 13. Nangangahulugan ito na walang klase sa Enero 14 hanggang 21 sa parehong pribado at pampublikong paaralan sa kabisera ng lungsod.

Ang hakbang na ito ay naglalayong makatulong na mapawi ang stress sa mga guro at mag-aaral na dulot ng kasalukuyang pagtaas ng mga kaso, sabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Sa pag-uu;lat, nasa 237,387 na ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa. Mula nang magsimula ang pandemya noong 2020, nakumpirma na ng Pilipinas ang 3,092,409 kabuuang kaso. Sa bilang na ito, 2,802,286 na ang gumaling habang 52,736 na pasyente naman ang nasawi sa sakit.

Analou de Vera