Matapos payagan ang mga lokal na opisyal nito na magdesisyon kung sususpindihin o hindi ang mga klase sa kani-kanilang lugar, nanindigan ang Department of Education (Deped) nitong Biyernes, Enero 14, na hindi ito magdedeklara ng national academic o health break.

Sa "Laging Handa" public briefing, sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na hindi na isinasaalang-alang ang pagdedeklara ng academic o health break para sa lahat ng paaralan sa buong bansa.

Paliwanag niya, binigyan na ng awtoridad ang regional at schools division offices na suspendihin ang mga klase at mga aktibidad na may kinalaman sa pagtuturo batay sa kasalukuyang sitwasyon.

“Not nationwide,” ani Malaluan nang tanungin kung posibleng magdeklara ang DepEd ng nationwide health or academic breaks.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“May dalawang aspeto, ang pag-uulit ng academic ease measures para mapagaan ang burden ng guro at mag-aaral at pag-authorize ng suspension of classes for a maximum of two weeks," aniya.

Samantala, sinabi rin ni Malaluan na binabantayan na ng DepEd ang mga ulat ng mga rehiyong nagdeklara ng suspensiyon ng klase.

“We will be receiving those reports and consolidating them,” aniya.

Para sa mga pribadong paaralan, maaari rin nilang suspendihin ang mga klase "subject to their conditions."