Sa pagpasok ng taong 2022, maraming Pilipino ang nae-engganyo na magbukas ng Modified 2 (MP2) Savings, isang programa ng home development mutual fund o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund.

Sa ilalim ng programang ito, hinahayaan nito ang sinumang miyembro na makapag-ipon at kumita sa maliit na halaga sa loob ng maikling panahon.

Sinu-sino nga ba ang maaaring magbukas ng MP2 Savings account?

Ayon sa Pag-IBIG, bukas ang MP2 Savings sa sinumang aktibong miyembro ng Pag-IBIG Fund — employed, self-employed, individual payor o maging Overseas Filipino Worker (OFW).

Pag-akto ni VP Sara bilang 'legal counsel' ni Lopez, 'unconstitutional'-Rep.Chua

Bukod dito, maaari ring magbukas ng MP2 Savings account ang former Pag-IBIG Fund members (pensioners and retirees) na mayroon pinagkukunang pang-buwanang kita, sa kahit ano mang edad, at mayroon kahit papaanong 24 buwanang ipon bago ang pagre-retiro.

Paano nga ba magbukas ng MP2 Savings account?

Kung dati ay kinakailangan mo pang magpunta sa mga branch ng Pag-IBIG, ngayon, mas pinadali na ang pag-open ng account sa tulong ng internet dahil pwede na ito online via Virtual Pag-IBIG. Kinakailangan lamang na alam mo ang iyong Pag-IBIG number o MID number, maaari ka nang mag-register online at magbayad ng paunang ipon.

Transparent rin ito dahil sa pamamagitan ng iyong online virtual Pag-IBIG account — makikita mo sa iyong ledger ang lahat ng iyong contribution, mp2 savings at pati na rin loan at lahat ng bayad na ginawa mo.

Malaki nga ba ang kinakailangan mong ilabas na pera para makapag-ipon?

Maaaring makapag-ipon sa MP2 Savings sa mababang halaga dahil P500 per remittance (kada buwan) lamang ang pinakamababang maaaring ihulog. Ngunit kung mas malaki ang ninanais mong maipon ay wala namang itong limit. Maaari kang makapag-ipon ng higit sa P500,000.

Magkano naman kaya ang balik ng iyong ipon?

Kahit na nasa kasagsagan ng pandemya noong taong 2020, pumalo sa 6.12% ang dividend rate.

Kailan mo naman makukuha ang iyong naipon?

Binibigyan ng Pag-IBIG ng dalawang opsyon ang mga may MP2 Savings account: (1) maaari kang mag-payout matapos ang limang taong maturity period; (2) maaari ring anwal o kada taon.

Hinahayaan rin ng Pag-IBIG na magkaroon ng multiple o higit sa isang account ang mga nagnanais mag-ipon kung kaya nitong panatilihin ang pagbabayad.

Matapos ang limang taong maturity period, maaari mo namang i-renew ang iyong account.