LUCENA CITY, Quezon - Nasa 72 pamilya mula sa anim na barangay ang naka-home quarantine dahil sa COVID-19. 

Binigyan sila ng ayuda na mula sa Quezon provincial government at sa district office ni Quezon 2nd district Representative David Suarez nitong Biyernes, Enero 14.

Ang aksyon na ito ay bunga ng pagtaas at pagdami ng mga pamilya na nag boluntaryong sumailalim sa home quarantine na itinadhana ng Department of Health.

Upang maiwasan ang paglabas ng tahanan ay dinalhan ng mga tauhan ni Quezon Gov. Danilo Suarez at Rep. David Suarez ang mga barangay kung saan naninirahan sa mga umano'y may iniindang COVID-19.

Politics

Thanksgiving party ng Alyansa, dinedma ng mga pambato! Sen. Lapid, nag-iisang sumipot

Ang mga dinaldan ng relief packs ay ang Barangay Ibabang Iyam na may 23 pamilya; walo sa Barangay Domoit; 16 sa Barangay Gulang-gulang, apat sa Barangay 11, anim sa Barangay 1; 10 sa Barangay 7 at dalawa sa Barangay 10.

Base sa ibinabang deklarasyon ng National Inter-Agency Task Force, kabilang ang Lucena City sa mga lugar na isasailalim sa Alert Level 3 na tatagal hanggang Enero 31.

Danny Estacio