LAGUNA - Pito sa mga bayan sa naturang lalawigan ang nagpasa ng ordinansa na naghihigpit sa paglabas at pagsakay sa pampublikong transportasyon ng mga hindi pa bakunado sa gitna pa rin ng patuloy na pagtaas ng bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Kabilang sa pitong lugar ang Biñan City, Los Baños, Kalayaan, Mabitac, Magdalena, Pagsanjan at Pila, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Region 4A.

Ang mga ordinansa ng pitong natukoy na lugar ay ibinatay sa mga ordinansang ipinasa ng mga siyudad sa Metro Manila.

Sa huling ulat ng provincial health office, nakapagtala na ng 3,941 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Danny Estacio