Usap-usapan nitong Huwebes, Enero 13, ang resulta ng isinagawang informal survey ni Cavite Governor Jonvic Remulla para sa mga kandidato ng pagka-pangulo at maging ang pahayag nito na "destiny" na manalo si Presidential aspirant Bongbong Marcos sa 2022.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Remulla ang resulta ng internal survey na isinagawa noong Disyembre 1-5, 2021.

Makikita sa datos na nanguna si Marcos na may 62%.

“Surveys are a snapshot in time. If the election was held today? BBM will win in Cavite by a landslide,” ani Remulla.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“I believe he will win the Presidency in 2022. It’s his time. It’s his destiny,” dagdag pa niya.

Kaya't inulan ng batikos mula sa Leni supporters ang naging pahayag ni Remulla.

Nagsimula umano ito dahil sa umano'y buradong tweet ng gobernador tungkol sa informal survey nito na kung saan nakakuha ng mataas na porsyento si Robredo na 81% na sinundan ni Marcos na may 11%.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/01/13/gov-remulla-sinabing-destiny-ni-bbm-maging-presidente-inulan-ng-batikos-mula-sa-leni-supporters/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/13/gov-remulla-sinabing-destiny-ni-bbm-maging-presidente-inulan-ng-batikos-mula-sa-leni-supporters/

Samantala, nag-react din angshowbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa naging pahayag ni Remulla.

"Sana, hindi mo na binura yung twitter post mo, Gov. Remulla. Para mas bumilib sa yo ang mga tao. May balls ka naman eh. Nakalimutan n’yo lang po siguro," ani Diaz sa kanyang caption nang ibahagi niya ang isang artikulo mula sa Balita.

Gayunman, hindi lihim sa mga followers ni Diaz na sinusuportahan nito si Vice President Leni Robredo.