Usap-usapan ngayon ang tanong ni Miss Universe Philippines 2014 at Tv host MJ Lastimosa sa kaniyang Twitter, kung bakit mahal ang presyo ng antigen test kits sa Pilipinas.

Aniya, napansin niya umano na ang presyo ng COVID-19 antigen test kits sa ibang bansang napuntahan niya ay kapresyo lamang ng antigen test kits sa Pilipinas.

Napatanong tuloy siya kung 'rich kids' daw ba ang mga Pilipino.

"Bakit yung RT-PCR pricing sa mga bansang napuntahan ko kapresyo lang ng antigen dito sa atin, rich kids ba mga Pinoy? Kaloka talaga dito sa atin," ayon sa kaniyang tweet.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa Twitter/MJ Lastimosa

Ang antigen test ay kinakailangan upang malaman kung ang isang tao ay positibo o negatibo sa COVID-19.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"MJ, if you can afford to travel overseas during the pandemic, then you should be able to afford the PCR testing. Stay put where you are so you don't need to go thru PCR testing. Be thankful & grateful that you are healthy and that you can travel overseas unlike millions of Filipinos."

"The cost of reagents and machine are really high, maybe in other countries the government subsidize."

"Sobrang nakakaloka po talaga dito sa Pilipinas, ginawa na lang po talaga nilang negosyo ang COVID. Kaya sa susunod na eleksyon bumoto po sana tayo ng tama, Ms. MJ."

"Dati face shield ang pinagkakakitaan ngayon RT-PCR na kung pwede lang din siguro pagkakitaan yang covid vaccine ginawa na rin ng mga taong mapanlamang sa kapwa."

Hindi lamang si MJ ang beauty queen na nagbigay ng reaksyon at saloobin hinggil sa presyo ng antigen test kits sa bansa. Maging ang former beauty queen na si Maggie Wilson ay napatanong kung bakit hindi libre ang antigen test kits sa Pilipinas, gayong sa ibang bansa gaya ng United Kingdom, nagagawa umano ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/12/maggie-wilson-dismayado-doble-presyo-hindi-libre-ang-covid-19-antigen-test-kits-sa-pinas/

Sinita rin niya ang mga negosyanteng sinasamantala ang demand dito upang kumita, kahit doble na ang presyo.