Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na sa Enero 15 ay maisasapinal na nila ang listahan ng mga kandidatong papayagang tumakbo sa 2022 national and local elections, habang masisimulan naman ang pag-iimprenta ng mga balota sa Enero 17.

“Ang estimate natin, matatapos ang final ballot faces by January 15 which means 'yun na ang final list of candidatesand we hope that we will be able to start printing by January 17,” sabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang virtual press conference nitong Miyerkules.

Sa pinakahuling tentative list ng mga kandidato na inilabas ng Comelec para sa 2022 polls, nasa 10 pa ang presidential aspirants, siyam ang vice presidential bets, at 64 naman ang senatorial aspirants.

Ang election period sa bansa ay nagsimula na noong Enero 9, 2022 habang ang halalan ay nakatakda sa Mayo 9, 2022. 

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Mary Ann Santiago