Nitong Enero 12, 2022 ay muling nagbigay ng update si Queen of All Media Kris Aquino sa kaniyang health condition at sa kabila nito ay patuloy na paghahatid ng tulong sa mga kababayang nangangailangan, na aniya ay sinumpaan niyang tungkulin sa kaniyang mga magulang, lalo na sa kaniyang inang si dating Pangulong Cory Aquino.

Ibinahagi ni Kris sa kaniyang IG ang ilan sa mga litrato niya habang inaasikaso ng kaniyang attending nurses. Kitang-kita sa kaniyang anyo ang pamamayat. Aminado siyang malayo pa siya sa pagiging okay.

"Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa," aniya.

Kalakip ng naturang Ig post ang ilang mga quote cards, na nagpapakita ng kaniyang pamamahagi ng 800 piraso ng COVID-19 antigen test kits at cheese pandesal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

BASAHIN: Kris Aquino, ibinida ang pa-libreng 800 COVID-19 antigen test kits, cheese pandesal kahit may sakit

Sa isa pang quote card, sinabi ni Krissy na wala na siyang pakialam kung batikusin pa siya ng mga tao dahil sa ginagawa niyang pagtulong. Para sa kaniya, wala aniyang masama sa pagtulong at paggawa ng kabutihan.

"Kung babatikusin ako, honestly CARE ko. PATULOY akong tutulong at patuloy kong ipo-post. Kasi nga naman: KAILAN BA NAGING MASAMA ANG GUMAWA NG KABUTIHAN?"

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

"With everything happening in my life, kinakaya ko pa ring isipin na maraming mas mahirap ang pinagdaraanan."

Nagbigay rin siya ng unsolicited advice sa mga opisyal ng pamahalaan, na aniya ay maaaring magsagawa ng paghingi ng donations.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/12/kris-may-unsolicited-advice-sa-mga-nakapuwesto-kayo-nakapuwesto-ngayon-madaling-humingi-ng-donations/

Taong 2018 nang ibinahagi niya na ikinakatakot niya ang kanyang sitwasyon.

"Bumagsak po ang katawan ko, in one month I lost 15 pounds. I was scared. Our mom had unexplained weight loss before her cancer diagnosis. That’s why I had my series of blood tests. This is our truth," sey ni Krissy sa kanyang Instagram post noong Oktubre 3, 2018.

Tinutukoy nito ang kanyang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino na nakaranas ng pagbagsak din ng katawan at na-diagnose ng colon cancer noong 2008, na siya namang pumanaw taong 2009.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/13/ano-nga-ba-ang-sakit-ni-kris-aquino-alamin-ang-mga-sintomas-at-paano-ito-maiiwasan/