Nahuli na ang dating kasambahayni DOTr Asec. Goddes Hope Libiranna nagnakaw umano ng mga alahas at pera sa loob ng bahay nito.

Nagtungo si Asec. Libiran sa Mangaldan Police Station upang personal na makita ang suspek.

Kinilala ang suspek na si Marilou Morales, 60-anyos, residente ng Mangaldan, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, nahuli si Morales dahil sa sumbong umano ng mga tao sa lugar.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Matatandaan na noong Enero 11, inanunsyo ng Southmaids Agency na magbibigay sila ng P50,000 na pabuya sa kung sinuman ang makapagbibigay ng impormasyon kung nasaan si Morales.

"To take proper action to the said helper our agency will take all the best efforts to find her as soon as possible. We will also give a 50k reward for the people who can show her to us, " anang Southmaids Agency sa kanilang Facebook post.

Sa eksklusibong panayam ni Asec. Libiran sa Balita, hindi na niya nabawi ang mga alahas. Ayon mismo sa suspek, ipinamigay na lamang niya ito dahil sinabi ng kanyang pinagbebentahan na “peke” umano ang mga alahas.

Inamin din ng suspek na mga "peke" din umano ang mga nanakaw niya sa dati niyang amo sa Cavite.

Nanghihinayang si Asec. Libiran sa mga nanakaw na alahas dahil may sentimental value ang mga ito.

Kabilang sa mga nawala ay ang mga alahas na ibinigay ng kanyang lola at ng kanyang ina noong elementary pa lamang siya. Maging ang ‘family tree necklace’ na ipamamana sana niya sa kanyang anak ay nawala rin. Pati na rin ang mga ibinigay ng kanyang asawa.

Aabot sa mahigit 2 milyong piso ang halaga ng mga alahas at perang ninakaw umano ng suspek.

Sasampahan ng kaso ni Asec. Libiran ang kanyang dating kasambahay.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/10/na-marcos-nanakawan-story-ni-asec-libiran-pinutakte-ng-marcos-apologist-sentiments/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/10/na-marcos-nanakawan-story-ni-asec-libiran-pinutakte-ng-marcos-apologist-sentiments/