Pumanaw na sa walong taong gulang ang tinaguriang "HeroRAT" ng Cambodia na si Magawa.

Sa loob ng limang taon sa serbisyo, nagawang maka-detect ni Magawa ng higit sa 100 landmines at pati na rin ng tuberculosis.

"Magawa was in good health and spent most of last week playing with his usual enthusiasm, but towards the weekend he started to slow down, napping more and showing less interest in food in his last days," pahayag ng APOPO, isang non-profit organization na pinagtrabahuan ni Magawa.

Nagpasalamat naman ang APOPO sa serbisyong nagawa ni Magawa at nanghihinayang sa pagkamatay ng HeroRAT.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Taong 2013 nang isinilang si Magawa sa bansang Tanzania, na siya namang nagsilbing headquarters ng APOPO at training at breeding center.

Makalipas lamang ng 3 taon, 2016, ipinadala sa bansang Cambodia si Magawa.

Dahil sa digmaang sibil, ang bansang Cambodia ang may pinakamaraming mina sa lupa, lagpas sa 1,000 sq km at hanggang ngayon ay contaminated pa rin.

Dahil sa mga pagsabog, umabot sa 40,000 ang nawalan ng paa. Hindi lang Cambodia ang apektado ng sitwasyon na ito kundi ang karatig-bansa na Thailand.

“His contribution allows communities in Cambodia to live, work, and play without fear of losing life or limb,” pagpapasalamat ng APO kay Magawa.

Dahil sa kabayanihang mga gawa ni Magawa, ginawaran ito ng gold medal ng Britain-based People’s Dispensary for Sick Animals for "lifesaving bravery and devotion to duty."

Taong 2021 nang tumigil sa serbisyo si Magawa.