Magsasama sa isang proyekto ang dalawang Kapamilya stars na sina Angel Locsin at Edu Manzano.

Bibida sa HBO original na 'Call My Agent', Pinoy adaptation ng hit French TV series na may parehong pamagat, ang dalawang star. Idederehe ito ni Erik Matti na may 8 episodes lamang at ipalalabas sa international streaming platform na 'HBO Go.'

Layunin umano ng HBO Go na lumikha ng mga content para sa mga taga Asia-Pacific.

Mukhang excited na ulit ang mga tagahanga at tagasubaybay ni Angel na makita siyang nakikipagbakbakan sa isang eksena. Ang huling teleserye niya ay 'The General's Daughter' na umere sa ABS-CBN noong 2019.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kinumpirma naman ito ng mismong direktor na si Erik Matti sa kaniyang Facebook post nitong Enero 12.

"When @dondonmonteverde and I were asked what we wanted to do for HBO, we, almost immediately at the same time, thought of remaking this show," ayon sa direktor.

"We have ever since wanted to do a film or series about the movie industry we grew old in. The Mother Lily should have been that if the pandemic did not stop us from doing such a huge undertaking."

"Showbiz stories for movies or tv are usually not bought by our local producers because they think no one wants to watch stories about what goes on behind-the-scenes of our industry. But it is so full of interesting and scandalous stories with such a diverse and colorful group of interesting people that would be great characters to immortalize in a show like this."

"Finally, we can do our tribute to a world where what goes on behind the glamour is as much or even more interesting than what we see in the movies."

"This will be a really really fun show to do! #CallMyAgentremake."

Screengrab mula sa FB/Erik Matti

May be an image of 8 people, people sitting and text that says 'CALL MY AGENT!'
Screengrab mula sa FB/Erik Matti

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"Si Direk Matti always ang direktor kapag may series ang HBO Asia and mostly galing entries sa Asia sa kanya lagi may plot twist ang kwento. Gaya ng Foodlore and yung recent ko lang napanood na Folklore: The 7 Days of Hell. It's a much watch one episode, people. Maganda entries niya sa both series ng Foodlore and Folklore."

"Napanood ko yung original ang ganda nito may konting comedy kaya puro action series. Bagay kina Angel and Sir Edu."

"OMG babalik na si Angel!"

Marami na ang nakaabang lalo't si Edu ang tatay ng ex-boyfriend ni Angel na si Luis Manzano, at mukhang ito ang unang proyektong pagsasamahan nila. Kahit na ganoon, maayos naman ang relasyon nina Angel at Edu. Sa katunayan, binati pa ni Angel si Edu sa kaarawan nito noong Setyembre 14, 2021.

"Happy birthday, tito," pagbati ni Angel.

"Thanks Mrs. Arce!" tugon naman ni Edu.