Kapansin-pansin ang pagbagsak ng katawan ng tinaguriang "Queen of All Media" sa Pilipinas na si Kris Aquino, na bulgaran naman niyang inamin sa kanyang latest Instagram post.

Ani Aquino, "Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa."

Basahin: Kris Aquino, ibinida ang pa-libreng 800 COVID-19 antigen test kits, cheese pandesal kahit may sakit

Ano nga ba ang tunay na sakit ni Kris Aquino?

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Taong 2018 nang ibinahagi nito na ikinakatakot niya ang kanyang sitwasyon.

"Bumagsak po ang katawan ko, in one month I lost 15 pounds. I was scared. Our mom had unexplained weight loss before her cancer diagnosis. That’s why I had my series of blood tests. This is our truth," ani Aquino sa kanyang Instagram post noong Oktubre 3, 2018.

Tinutukoy nito ang kanyang ina na si Corazon Aquino na nakaranas ng pagbagsak din ng katawan at na-diagnose ng colon cancer noong 2008, na siya namang pumanaw taong 2009.

Sa mga medical test na pinagdaanan ni Aquino, ikinatakot nito na baka tumor ang kanyang sakit, na nakumpirma naman nilang hindi matapos mag-negatibo ang resulta ng mga pagsusuring isinagawa.

Nagkaroon ng inisyal na diagnosis si Aquino na siya ay may autoimmune disease, isang kondisyon na kung saan maling naaatake ng sariling immune system ang sariling katawan. Halimbawa ng nakakaranas nito ay ang sikat na singer na si Selena Gomez.

Sa hiwalay na Instagram post, na ngayon ay burado na, kinumpirma nito na ang kanyang sakit ay tinatawag na "chronic spontaneous urticaria," isang autoimmune na sakit.

“I am now, and for the rest of my existence will be, on high dosage antihistamines and having the EpiPen will always be crucial. Severe allergies are life threatening because of anaphylactic shock," pagpapaliwanag ni Aquino sa kanyang sakit

Ang taong nakakaranas ng chronic spontaneous urticaria o CSU ay nagkakaroon ng hindi ordinaryo at inaasahang pamamantal.

Ayon sa WebMB, isang health website na nagbibigay ng impormasyong pang-kalusugan, walang malinaw na pinagmulan ang CSU kaya maiging magpatingin sa mga eksperto tulad ng mga doktor.

Tumatagal ang paglabas ng pamamantal mula 30 minuto hanggang 24 oras at inaasahan na madalas itong mangyayari.

Kung malala o tumagal ang nararanasang CSU, inaasahan rin na makakaranas ng ilang sintomas tulad ng pagkahapo, pananakit o pamamaga ng mga kasu-kasuhan, pamumula ng mukha, leeg o ibabaw na bahagi ng dibdib, at pagbilis ng tibok ng puso.

Dagdag pa ng WebMB, lahat ay maaaring tamaan ng CSU ngunit mas madalas ang mga kaso nito sa mga kababaihan. "Idiopathic" ang CSU o walang partikular na sanhi.

Narito naman ang ilang sa mga maaaring makapag-trigger o makapagpalala sa taong may CSU: alcohol, pagligo gamit ang maligamgam na tubig, halumigmig (o pagkatuyo ng paligid), Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) tulad ng aspirin at ibuprofen, pagkakamot ng balat, maaanghang na pagkain, at masisikip na kasuotan.

Upang maiwasan naman ito, kinakailangan na unang iwasan ang mga bagay na maaaring makapag-trigger sa sakit. Kung sakaling magkaroon ng pamamantal dulot ng CSU, kinakailangan ng high-dose oral antihistamines na ayon sa tulong ng doktor.

Kung hindi naman sapat ang mga antihistamine, asahan na magbibigay ang mga doktor ng steroid, na susundan ng antihistamine.

Walang gamot para sa CSU ngunit pumapalo sa 30%-50% ang tyansa na maaaring nawala ang mga sintomas sa loob ng isang taong diagnosis. Maaari pa ring makaranas ng sintomas kahit lagpas ng limang taon dahil karaniwan laman na isa hanggang limang taon ang pagkaranas ng sintomas.

Sa isang pag-aaral nila Peter Stepaniuk, Manstein Kan, at Amin Kanani, na may pamagat na "Natural history, prognostic factors and patient perceived response to treatment in chronic spontaneous urticaria," taong 2020, 30% ng mga pasyenteng nagkaroon ng CSU ay naayos ang kalagayan sa loob lamang ng dalawang taon, at 16% naman ay tumagal ng 10 taon pataas.

Sa datos rin na inilabas ng pag-aaral, karaniwang naaayos ang kondisyon ng mga lalaking may CSU sa loob lamang ng 33 buwan, at umaabot naman sa sa 48 buwan sa kababaihan.