Apat pa sa mga empleyado ng Department of Justice (DOJ) Central Office ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, aabot na sa 63 ang aktibong kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Enero 13. Nitong Miyerkules, Enero 12, naitala ng DOJ ang 59 na bagong kaso ng sakit, ayon kay DOJ Undersecretary Emmeline Aglipay Villar.

Nauna nang iniutos ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagbabawas ng mga pumapasok na kawani ng ahensya upang maiwasan ang malawakang hawaan ng sakit..

“Work-from-home and online conduct of official transactions shall be the primary mode of rendering service until further notice,” paliwanag ni Guevarra.

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

Sa kabuuang 804 na opisyal at kawani ng DOJ sa mga opisina nito sa Maynila, aabot na sa 772 ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Jeffrey Damicog