Sa layuning maprotektahan ang 300 kasapi ng Kamara at mga empleyado, itinuloy ang pagsasagawa ng COVID-19 vaccine booster drive-thru program ng Kapulungan.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, malaking tulong ito sa kaligtasan at kalusugan ng mga mambabatas, secretariat officials, empleado at congressional staff laban sa Covid-19, lalo na sa pagsulpot ng mabilis makahawang Omicron variant.   

Ang vaccination drive ay pinangunahan ng bagong hirang na si HRep. Medical and Dental Service Director Dr. Jose Bautista, isang retiradong Police Colonel.

Siya ay nagtapos sa University of Santo Tomas College of Medicine and Surgery at ang espesyalisasyon ay General Surgery at cancer treatment.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hinimok ni Bautista ang bawat isa na lumahok sa pagpapatuloy ng CongVax booster vaccination. "With the Omicron variant being highly contagious, HRep employees should not be afraid to come to the North Steel Second Level Parking, the drive thru vaccination site, as the area is not enclosed,"

“They should not be afraid of coming here because we only hold the vaccination in a place that is uncrowded and with open air so there’s less chance of transmitting this contagiousness,” ani Bautista.    

Dahil aniya, sa pagsipa ng COVID-19 cases, dapat protektahan ng mga tao ang kanilang sarili at magpa-booster shots.

 “You have to do it because of this surge. Although they say it doesn’t kill you, but just the same thing, who wants to get sick? You are better off when you are boostered than when you are not. That’s a scientific truth that we should all abide by. So get your boosters done as soon as possible if not here in your LGUs, or wherever you can have it done,” ayon kay Bautista. 

Bert de Guzman