Nagbigay ng update sa social media platforms ang mag-asawang Megastar Sharon Cuneta at vice presidential candidate Senator Kiko Pangilinan sa kanilang kalagayan.
Matatandaang napabalitang nag-positbo sa COVID-19 si Senator Kiko kaya agad na nag-isolate sina Megastar at ang kaniyang pamilya.
Ngunit noong Enero 11 ay sinabi ni Senator Kiko na 'false positive' lamang ang naging resulta ng una niyang RTPCR test, matapos ang kanilang muling pagpapa-test.
"My latest RTPCR test result is negative! Sharon, the kids & househelp also negative!" pahayag ng senador.
"My Dr. sister says my prior result was a false positive as none of us have symptoms."
Kaugnay nito, sa palagay ng vice presidential candidate na kailangan ng free testing para sa lahat.
"We need FREE testing for ALL who need it so we are ALL better prepared to manage Covid. Thank you for your prayers!"
Sa isa pang tweet, iginiit ng senador ang libreng testing, kagaya ng panawagan ni beauty queen Maggie Wilson.
"Dapat libre ang testing sa kailangan magpatest. Sa maraming bansa libre ang testing. Dito sa atin kulang ang testing, napakamahal ang singil at pinapae-expire habang nasa storage ang libo-libong testing kits na kalahating bilyong piso ang halaga. 2 taon na..DAPAT FREE TESTING NA!" aniya.
Sa Instagram post naman ni Megastar sa parehong araw, gayundin ang kaniyang balita.
"Praise God! We all tested NEGATIVE!!!" saad ni Shawie, kalakip ang quote card na nakasaad ang 'God is good even when times are bad' ni Joseph Prince.